pag-ibig ng hangal

 

 Sinong mag-aakala na ang araw ay matatapos

Kung ang kaligayahang dulot nito’y di naigagapos

Tila ba ang katapusan ay isang kahangalan

Sa taong nabubulag sa pagmamahalan

 

Ngunit kaparis ng isang awit na sadyang malambing

Na may mga linyang may hagganan din

Tulad ng isang palabas na may mga yugto

Na tumatakbo sa pamamagitan ng mga tagpo

 

Ang pag-ibig ay nagsisimula at natatapos bigla

Kagaya ng hininga na maaaring mawala

Tulad ng isang kaibigan sa araw ng sagana

Na nagtataksil sa panahong ika’y salat na.

 

Ang pag-ibig ng hangal ay madaling bigkasin

At ganun din kabilis kung babawiin

Ang mga pangako niya’y mapagbalatkayo

At ang mga ngiti’y pakitang-tao

 

Ang lihim ay lalabas sa bandang katapusan

Pagkatapos ng ulan ay may kaliwanagan

Sa pamamaalam, may isang taong matutuwa

Sa pagtatapos, ang isang puso’y masisira

 

Tikom ang bibig ng tadhana, kadalasan

Pagkat ang bawat isa’y binigyan ng kalayaan

Kayat huwag iasa sa buwan, bituin ang nararamdaman

Ang pag-ibig ng hangal ay huwag tutularan.

<a rel=”license” href=”http://creativecommons.org/licenses/by-nc-nd/3.0/”><img alt=”Creative Commons License” style=”border-width:0″ src=”http://i.creativecommons.org/l/by-nc-nd/3.0/88×31.png” /></a><br />This work is licensed under a <a rel=”license” href=”http://creativecommons.org/licenses/by-nc-nd/3.0/”>Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License</a>.

 

Ruth Mostrales, Pebrero 2009

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s