Mga Utos

Standard

Mga Utos

ni Ruth Mostrales

 

Simulan natin ang araw bago umulan,

Sipatin ang mga yapak na kaniyang iniwan;

Sundan ang kinabukasang laging tumatakas —

Pasiglahin ang dasal at apulahin ang malas.

 

Kapag tayo’y napagod sa pakikipagtunggalian,

Sa paghithit ng usok ng prusisyong walang hanggan,

Gaya ng ibong nakalulan sa amihang pumipintig,

Sumayaw tayo maging sa gitna ng ligalig. 

 

Habang nagtataasan ang mga gusali,

Sabayan ito ng paglilinang sa ugali —

At kapag hapo ang pusong minamaliit,

Sungkitin ang bituing iginuhit noong tayo’y paslit.

 

Sa kublihan ng pag-asa, tayo’y magpahinga

At matulog yakap-yakap ang awa ng kalangitan

Na bagamat kadalasa’y nagtatago, o ‘di madama

Sa pagbibigay lingap ay ‘di lumiliban, kaya’t

 

Simulan ang araw bago umulan,

Sipatin ang mga yapak na kaniyang iniwan;

Sundan ang kinabukasang laging tumatakas —

Pasiglahin ang dasal, at apulahin ang malas.#

 

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

6 thoughts on “Mga Utos

  1. Hindi ko magets kung bakit Utos yung title..

    o, utos yung bawat simulang word sa karamihan ng taludtod.

    baka nga ganun? tama?

    “Habang nagtataasan ang mga gusali,

    Sabayan ito ng paglilinang sa ugali ”

    eto peborit part ko

  2. jasonhamster,

    sabihin na lang natin na ang gumawa ng tula ay pinaaalalahanan ang kaniyang sarili. 😉

    salamat sa iyong pagdaan.

    Ate Ruth

  3. “Habang nagtataasan ang mga gusali,
    Sabayan ito ng paglilinang sa ugali ”

    totoo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s