Panyo

Standard

hand-tie-dress-wedding.jpg

 

Nagtahi siya ng kasuotan,

maganda ang kinalabasan.

Ngunit, nang ito ay kaniyang isukat,

hindi ito lumapat!

 

Kaya’t tangan ang bestida,

sa tindahan siya’y sumaglit;

matapos siyang mamaalam,

iniwan niya ang damit.

 

Nasumpungan ng isang binata

ang bestidang marikit;

lubos ang kaniyang tuwa

at puso niya’y nangalabit.

 

Binili nito ang bestida

sa napakamurang halaga’t

naisipan niyang ihandog ito

sa babaeng pinipintuho.

 

Nagtahi siya ng kasuotan.

Maganda ang kinalabasan.

Sa retasong natira’t pinagtagpi-tagpi —

Isang panyo ang nasilayan.

 

July 9, 2009

 

pexels-photo-998521.jpeg

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

9 thoughts on “Panyo

  1. Salamat, kaibigan!

    Add kita sa blogroll ko ha?!

    Salamat sa pagdaan muli.

  2. haha..galing ah! di rin nasayang ang kanyang pagod dahil may bumili ng kanyang gawa at sa mga mumunting piraso ng tela ay nakabuo siya ng isang panyo.

    Galing ng imahinasyon!

  3. ang itinapon na ni huwan ay magagamit pa ni pedro. saganang akin, ang isang ito ay akma sa temang resaykel.
    ang pagkasulat: magaling!

    • salamat sa pagdaan kaibigan. oo nga, puwedeng gawing RECYCLE ang tema. Puwede ring pagiging INNOVATIVE, hehe.

      pero marami pang maaring pakahulugan ang tulang iyan (sniff – sabay dampot sa panyo)

  4. Salamat Nikko. Masaya ako at nagustuhan mo. God bless. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s