Hustisya

Standard

DSC01078

Hustisya
Ni Ruth Mostrales

Kung umiyak ang mga dehado’y paminsan —
Hustisya!
Pati mga inosente’y tumatangis sa piitan —
Hustisya!

Sino ang may bitbit sa timbangan?
Hustisya!
Sino ang tinimbang ngunit kulang?
Hustisya!

May mga sisiw na ‘di makaahon sa kailaliman,
May mga agilang nalalasing sa kapalaluan.
Ang mga maliliit ay walang madulugan —
Ang hustisya’y sa malalaki lang ba nakalaan?

Matatapos din ang araw nilang mga sakim!
Ang tunay na hustisya’y ibibigay din
Sa kanilang inalipin ng iskemang kumikindat
Sa mga bigatin — sa liyab ng asupre ay gugulong
Ang mga kampon ng dilim.

10 thoughts on “Hustisya

  1. kaya nga ang mga nakakaraming maliliit ay dapat magkaisa at kumilos para mapadali ang pagkapantay-pantay ng agila at sisiw !

    • Totoo! Kapag nagtulong-tulong ang mga mahihina, mapapalakas nila ang kanilang hanay, at magagapi ang mga mapagsamantala!

  2. dehado kung dehado
    para san pang mga galos mo kung
    titiklop ka lang. kung titiklop ka lang.

    Bat kasi ang hustisya napakailap sa mga mahihirap?
    Ang hustisya abot sundot at kiliti lang sa mga mayayaman.

    • Hello Jason! Salamat sa iyong pagdaan. Naisulat ko ito dahil sa kalunos-lunos na kalagayang aking nasasaksihan araw-araw: the butchering of the rights of the downtrodden before the portals of injustice! Haay… May araw din sila… May araw din sila… 😦

    • kasi madatong sila, madali para sa kanilang bayaran un..
      samantalang para sa mga mahihirap, mahirap kasi walang pera, minsan ni barya
      para masundot un..

  3. Hmm…

    Basta, Nikko, gawin lang natin ang tama: mahalin natin ang Diyos higit sa lahat, at mahalin natin ang ating kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili… at huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti dahil sa tamang panahon, aani tayo, kung hindi tayo susuko. 🙂

    Salamat sa iyong komento. 🙂

  4. tama yan! Madami na talaga ang sakin at gahaman sa kapangyarihan! kaya nga hindi na umaasenso ang buhay! sana marami pang mag sulat ukol sa katutuhanan sa sangkatauhan para mamulat ang marami sa katutuhanan!

  5. ..ahmm..

    ..npaka gnda poh ng mssg ng tula n toh..

    ..nkatulong poh s gngwa kong proj.
    ..napili ko po kse ay tungkol sa hustisya..

    ..haixt..

    ,,un lang po!!

    ..i strongly agree with this..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s