Nakikiraan Lang

Standard

Nakikiraan Lang

 

Una, nakakita ako ng mga batang

pakalat-kalat sa daan habang

tangan-tangan tig-iisang supot ng kalangitan. 

Kaysa langhapin ang hanging

nakaririmarim, pinili nilang sa solvent na lang

magpaalipin.

 

 

Nakikiraan lang, mga bata, at

nanonood na rin sa

pakikipaglaro niyo

sa alapaap.

 

Pangalawa’y namasdan ko ang mga

babaeng hindi makagulapay

sa sapot na matibay.

Sa saliw ng laman, hindi nila iniinda ang  

Mga latay sa kalamnang matagal nang pinatay.

 

Nakikiraan lang po, mga binibini, at

nanonood na rin sa

pagkendeng ninyo paalis sa biyaya.

 

Pangatlo, nadaanan ko ang mga makukupal na

Namamayagpag sa pedestal. 

Sila’y mababango, bagong plantsa ang damit at

‘di gaya ng baliw sa kantong nabubuhay sa basura —

Pakaway-kaway na lang, at kung sinipag,

kakamay sila na parang buwang.

Diyos ko po! Bakit ba

Siya pa ang niluklok ko!

 

Nakikiraan lang po, ginoo, at

nanonood na rin sa

kapalaluan

mo.

 

Pang-apat, nakakita ako ng istatwang gumagalaw na may

dalang panulat sa kamay at mapagpaimbabaw;

kung makadaan, akala mo maalam.  Lagi siyang

nagmamatyag, wala namang

hakbang.

 

Paraanin po ang nakikiraan lang.

Hayaan ninyong lamuyutin ng kaniyang mga uyayi

ang inyong mga mata. 

 

-ruth mostrales

august 2009

 
Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

2 thoughts on “Nakikiraan Lang

  1. maganda ang ang paksa at ang pagkakasulat mo nito.

    .salamat sa pagkalagay mo sa blog ko rito. nandun na rin ang at marami pang iba sa left sidebar ko, sa hanay ng iilang ka-tropa

  2. salamat uli. pasensiya na di ko yata naipaalam na nilagay ko ang blog mo rito. pero salamat din sa pagpromote mo sa blog ko. iba ang feeling kapag may nakikinig sa iyong payak na mensahe.

    🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s