Ngiti mo’y huwag tatakpan, ‘di na rin magtatagal;
Gabi na’y papalitan, ‘di ka na magpapagal.
Ang pag-ibig ay tamis, sa kaniyang may biyaya;
Kung ito’y iyong nais, nasa ‘yong pagpapasya.
Kuyumin ang minuto, ngunit huwag kang aasa
Na walang mamumugto, pagkatapos ng dusa.
Hawiin ang ‘yong lambong, tukuyin ang siyang tapat.
Kinisin ang ‘yong tanong, kupkupin lang ang sapat.
Sandali lang ang buhay, ‘wag ka nang magkamali
Na pumili ng patay, na walang pagkandili.
Nasa ‘yong pagpapasya, ang buhos ng biyaya—
Konti pang pagpapagal, dunong at pagdarasal!
Ruth Mostrales
June 15, 2009
“Hawiin ang ‘yong lambong, tukuyin ang siyang tapat.”
ang tema’y tungkol sa pagpili. ito ba’y para sa nalalapit na halalang pananalunan ni chiz?
hehe, oo nga ‘no, puwede rin siyang bigyan ng ganoong pakahulugan.
🙂