Awit Mula sa Malayo

Standard

Sa malayo ika’y iibigin, sa malapit ika’y titiisin.
Katulad ng hanging dumadaplis,
ika’y hahagkan at saka aalis.

Sa ganitong paglilihim, ako’y pinapanatag;
sa ganitong pag-ibig ko, pag-ibig man ng duwag;
bagamat walang pugad, ako’y ibong malaya —
ako ma’y lumuluha, wala sa ‘king kukutya.

Hindi ko man mabigkas ang paghanga ko sa ‘yo,
hayaan mong sa awit, isatitik ko ito.
Ang bawat talata’y iuukit paulit-ulit sa batong
walang pinagkaiba sa iyong puso.

Ruth Mostrales
25 May 2010

2 thoughts on “Awit Mula sa Malayo

    • nakakatuwa naman ng comment mo, at nag-iwan ka pa ng tanong, parang close na tayo.

      in love? hindi naman, may crush lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s