May Hindi Nawawakasan Ang Araw

May hindi nawawakasan ang araw, araw-araw,
may hindi natutuldukan ang buwan, buwan-buwan;
may hindi natatapos ang taon, taon-taon —
tulad ng alaala ng mga yumao’t lumisan.

Sa paglipas ng araw, at mga kulay nito,
sa pagdaan ng buwan, at mga prutas nito;
sa pagtakbo ng taon, at mga tropeo nito —
ang nagdaan ay hindi mauungusan.

Kagaya ng ulap na palayakap sa araw,
katulad ng hamog na kaulayaw ng buwan;
kawangis ng mga guhit na isinusulat ng taon
sa balat — hindi kita malilimutan.

Bagkus napaparito ka sa aking daigdig,
habang minamasdan ko ang mga tanda sa langit;
narito ka’t iniisip nang paulit-ulit —
inuukit sa aking lupang buhay lang nang saglit.

May hindi nawawakasan ang araw, araw-araw,
may hindi natutuldukan ang buwan, buwan-buwan;
may hindi natatapos ang taon, taon-taon —
hanggat may alaala’t pag-ibig, ika’y kapisan.

ruth mostrales
may 25, 2010

2 thoughts on “May Hindi Nawawakasan Ang Araw

    • Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy mo. Mangyari ay hindi lahat ng tula ay dapat isiping tungkol sa may akda. Pero salamat sa iyong pagdaan. May bumabasa rin pala sa mga tulang cheesy tulad nito. Mas nakakatuwa kung nakakarelate ka dito.

      Ito’y para sa mga yumaong minamahal. 🙂

      Ciao!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s