Balik Tula Tayo

Nagugulat ako dahil kahit tinigil ko ang pagpopost ng aking mga tula ay may mga steady readers ako dito sa aking blog.

Hindi ko alam kung sino sila, at kung bakit kahit hindi sariwa ang mga posts ko ay binibili pa rin nila.

May isa pang nagtanong kung sino daw ako upang mailagay niya ako bilang may-akda sa isang tula na gagamitin niya sa school.

Nakakataba naman ng puso. Hindi ko akalain na ang mga lumang tula ko ay bago pa rin sa paningin ng iba.

Hindi ko na nga maalala kung kailan ang huling post ko ng tula.

Nagsimula akong tumula noong dumaan ako sa mga pagsubok na madalas dinadaanan ng mga baliw sa pag-ibig.

Kaya marami sa mga tulang naisulat ko noon ay tungkol — guess what — sa pag-ibig. Yung hindi tunay, hehe.

Looking back, medyo natatawa na lamang ako sa mga mensahe nila.

Yung iba nga hindi ko na maalala maliban na lang at mag back read ako dito sa sarili kong blog.

Dati ay pinangarap ko na rin na ilimbag sila.

Pero di ko tinuloy.

Sa ngayon, sinisipag ako. Baka nga maisipan kong palayain sila at paliparin. Tignan natin.

Ako kasi mahilig sa love poems. Sa ngayon, mayroon akong mga kaibigan na sawi, in love at complicated ang love life.

Sila na ngayon ang nasa isip ko sa tuwing ako ay tumutula tungkol sa pag-ibig. Nilalagay ko ang aking sarili sa kanilang mga sapatos at iniisip ko kung paano ilalabas ang kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng mga linya sa tula.

Karamihan din ng mga bago kong tula sa ngayon ay para sa Panginoon (mga hymns), at para sa aking asawa at anak. ❤

Nga pala… kung isa ka sa mga pabalik-balik dito sa aking blog, salamat sa pagdaan. Huwag lang masyadong seryosohin, okay. Hahaha!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s