Sa Tuwing Magpapagupit, Magsama ng Pakialamera

May nadiskubre ako.

Kung ikaw ay magpapagupit, dapat mayroon kang kasama. Yung magbubusisi sa gupit mo sa bandang likod.

Kasi ang bandang likod ng iyong buhok ay madalas hindi mo makikita nang maayos.

Sa araw na ito, bago pumatak ang alas-dose ng gabi, gusto ko lang sabihin na ipinagupit ko ang aking anak dahil sa lubhang naging manipis ang kaniyang buhok dahil sa shampoo na ginamit niya ilang linggo na rin ang nakakalipas.

Pero pinalitan namin ito ng Atomy Shampoo at voila, nawala ang problema niya sa hair breakage.

Sabi ng pedia dapat taasan din ang zinc consumption ng aking anak at ginawa ko rin naman.

Sabay yun sa pagpapalit ng shampoo. Haay, salamat nabawasan din ang paglalagas at pagkabali ng mga strands ng kaniyang buhok.

Kaya kinailangan niya ng haircut. Kasi hindi na pantay ang kaniyang hair. Hindi na rin maganda ang bagsak. New year, new hair cut ang aking anak.

At masaya ako dahil nandoon ako para tignan ang ginagawa ng gumupit sa kaniya.

Sa simula talagang uminit ang ulo ko dahil parang nilalaro lang ang buhok ng anak ko.

Oo, sa isang maliit na parlor sa bayan ginawa ang gupit pero pwede ba namang sa halagang P100 ay lalaruin ang gupit ng anak ko?

Kaya binusisi ko siya. Pinagtrabaho ko siya ng husto. Hindi ako tumigil hanggat hindi ko nakuha ang gusto kong gupit para sa anak ko.

At hindi ako nagbigay ng tip. Bakit pa? Kasi hindi niya inayos ang gupit maliban na lamang sa pakikialam ko.

Hindi ako nagsisisi na binusisi ko ang gupit.

Hindi rin ako galit sa kaniyang tagagupit.

Nakita ko lang kasi na parang hindi niya inaayos ang kaniyang trabaho kaya natural, bilang ina, naging makulit ako.

Kaya isa sa mga natutunan ko sa araw na ito ay ito:

Kapag magpapagupit, isama si Mister, Nanay, Anak, Kaibigan, o yung Kapitbahay mo na alam mong makikialam, este, magmamalasakit.

Published by Ruth M. Solitario

Creative and practical. I am a work in progress. Doing life with my husband and daughter. Walking the earth, watching the heavens.

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: