Magandang Umaga

Isa sa mga mabubuting asal sa loob ng isang pamilya ang pagbati sa mga kasama sa bahay ng Good Morning sa umaga.

Sa sobrang aga kong nagising ngayon, wala akong mabati agad.

Kaya minabuti kong i-Good Morning si Lord.

Ikaw, nagu-good morning ka rin ba kay Lord?

Nasabi ko na dati na kasama sa aking morning routine ang paghello kay Lord.

Tulad ng isang matalik na kaibigan, binabati ko Siya araw-araw.

Well, higit pa Siya sa matalik na kaibigan.

Tumpak ang mensahe ng kantang “You are my all in all” sa aking buhay. Totoo — He is my all in all.

Good morning, Lord! Ahh, kaysarap bigkasin.

Marami akong narinig na hindi na nagisnan ang bagong taon. Sa aking tala, may tatlong tao akong nabalitaan na naatake sa puso nitong mga nagdaang araw.

Kung tayo ay may Good Morning, Lord pa, ibig sabihin tayo ay buhay pa.

Salamat, Lord — ang buhay ko talaga ay hawak mo!

At hindi lamang yung masaya tayo dahil humihinga tayo. Masaya tayo dahil may buhay tayong walang hanggan kay Kristo.

Yun naman eh. Yun naman talaga.

Hindi ko alam kung naniniwala ka diyan, pero yan ang paniniwala ko.

Sabi ni Kristo: “I am the way, the truth and the life.” Via, veritas, vita.

At kasabay ng :Good Morning, Lord,” isunod na rin natin ang “Thank You, Lord!”

Ako masaya ako ngayon kasi maaga akong nagising. At dahil doon, nakapaglaga ako ng saging at mais.

Mura ngayon ang saging. At bagong pitas naman ang mais na nabili ko kahapon sa Parang Market.

Kahit medyo gabi na ako nakabili, okay naman, nabili ko pa rin ang mga kailangan namin.

Medyo natagalan kasi kami sa Hi Top Supermarket kahapon. As usual, sobrang haba ng pila doon. Marami ding good deals at SALE. Ang gusto ko sa Supermarket na yun ay yung mga good deals. Pagpasok mo pa lang sa store, bubungad na sa iyo yung mga naka-sale. May mga pa-expire na, yung iba matagal pa naman, pero naka SALE sila. Pipiliin mo lang yung kailangan mo, mahirap na, baka mabutasan ang bulsa mo.

Kahapon kasi nag-crave ako ng persimmon. Doon kasi ako nakakabili noon ng persimmon. Kaya lang kahapon wala. Huhu.

Pero marami naman akong nabili na talaga namang kailangan namin.

Doon din ako nakakita ng iba’t-ibang klase ng beans. May black beans, may red beans, may white beans, etc. Gustong-gusto kasi ng aking anak ang beans, lalo na yung munggo, na meron din doon. Sarap ng ginisang munggo! Of course, isa yan sa mga kakainin namin this coming week.

Lahat ng ingredients mo, makikita mo doon. Pero after our supermarket trip, ginusto ko pa rin pumunta ng palengke talaga.

Dati sa may Batasan talipapa, nakakapark kami doon sandali para bumili ng ibang prutas at gulay.

Kaya lang kahapon, pinagbawal na ang pagpapark doon kahit sandali. Kaya sayang, di kami nakabili ng itlog. Last week kasi nakabili kami doon ng isang tray, tapos melon, tapos saging at iba pa. 150 ang isang tray doon. Magdala ka na lang ng tray para di ka magbayad ng 10 pesos. 5 pesos sa ibaba, 5 pesos sa itaas, kasi tatalian yun eh.

Pero sa Parang Market, gaya ng sinabi ko, nabili ko naman lahat ng kailangan ko. Yun nga lang, sa mga stall, mahal nang konti — parang presyong Hi-Top na rin eh. Yung mga kuya at ate na may kariton, doon, mura sa kanila. Nasa sidewalk sila. Narinig ko lang na pag gabi, malaya silang magbenta sa sidewalk kasi wala nang nanghuhuli.

Tipid tips ko everytime I go food shopping:

  1. Have a budget.
  2. Have a menu planned.
  3. Base your shopping list on your menu planned for the week.
  4. Buy what you need.

Yun lang. Ikaw, ano mga tipid tips mo?

As for my nilagang saging and mais, snacks yan ng aking pamilya for the week. Yung iba, pambaon ni Mister sa work. Pinagbawal ko na ang fast food kay Mister eh. Hehe.

Mamayang gabi naman gagawa ako ng baon niya for the entire week at ilalagay ko yun sa ref. That way, hindi ako araw-araw nagluluto ng baon. Sa umaga, handa na ang baon niya, ilalagay na lang sa bag niya.

At kami naman ng aking anak ay mayroon na ring ready meals na papainitin na lang.

Mabilis, matipid, may sistema. Yang tatlong yan ang gustong-gusto kong matutunan nang maigi. Mas relaxed ang atmosphere sa bahay pag handa kami eh.

Siguro alam niyo naman na hindi maganda ang mood ng mga tao pag gutom. Personally, ayoko din maging hangry.

Good morning! Happy Lord’s day! Bye for now.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s