Nanay Lamang

Full-time job ang pagiging nanay, mind you (that is, kung hindi mo pa alam). 😛

Marami kasi ang mababa ang tingin sa mga nanay. Minsan, kapwa natin babae ang mababa ang tingin sa mga nanay na nasa bahay.

Sabi nila, ang mga nanay ay nasa bahay lamang. Siyempre may emphasis sa lamang.

Pero hindi nila alam na ang nanay ay napakaraming ginagawa.

Paggising sa umaga, nakaplano na ang gagawin niyan sa maghapon. O diba, parang manager o supervisor.

Nakaplano na rin ang budget, tulad ng isang accountant o economist.

Tapos magluluto na yan, parang cook.

Yung iba, tulad ko, maghohomeschool pa. Teacher-Nanay, kumbaga.

Magpapaligo, maglilinis, magpapakain ng mga alagang hayop, at mag-nenetwork.

Yes naman, kailangan ng nanay ng network.

Kung may disiplina ang nanay, gagawin niya ang networking nang hindi naaabala ang paggawa sa mga chores. Lalong lalo na sa pagaasikaso sa needs ni HUbby. Number one siya!

Networking. Kasama na ang business diyan. Pati yung pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan. O di kaya naman ay yung pangangamusta sa mga kamag-anak.

Kung may blog siya, magbablog. Kung may vlog naman, magvavlog. Naghahanap siya ng good deals sa Lazada, Shopee, OLX, etc.

Lahat nang yan ginagawa niya nang hindi nasusunog ang sinaing. Sabay-sabay, habang nakasalang ang labada.

Kapag may meet up siya, tumatawad yan. Kapag kausap ang buyer, supplier, client, etc. nagmemakeup din. Minsan kasama ang anak lalo na kung walang mag-aalaga.

O, kaya mo yan?

Minsan unfair tayo sa mga nanay. Sana huwag naman. Ang nakikita lang natin ay yung status niya sa FB. Nakikita lang natin ay yung less than immaculate niyang bahay.

Di porket online siya palagi eh wala na siyang ginagawa. Di porket di siya nakapaglinis ng bahay, tamad na siya. Paano kung napuyat dahil nilagnat si bunso kagabi?

Konting tip lang sa ating mga nanay. Huwag maging onion-skinned sa mga puna o komento o kritisismo.

Konting tip sa sa mga single na wagas sa pagpuna sa mga nanay, darating din ang time niyo. 😛

Sa dami ng ating dapat gawin, huwag kalimutang manalangin. Simulan natin ang umaga nang pagbabasa ng Salita ng Diyos at pananalangin. Mas malakas tayo pag alam nating mayroon tayong gabay mula sa Diyos sa simula pa lamang ng araw natin.

Sabi nila, a journey of a thousand miles begins with a single step.

Unang step natin ang ating morning devotion. We can’t afford not to have that, mga sisters.

Sa mga nanay, bilib ako sa inyo. Bilib din ako sa sarili ko. At bakit hindi? Nanay ako eh!!!

<3<3<3

Published by Ruth M. Solitario

Creative and practical. I am a work in progress. Doing life with my husband and daughter. Walking the earth, watching the heavens.

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: