Trabaho

Ang buhay OFW ay _______. Isang pagpupugay sa mga kabayang nangibang bansa upang lumaban.   TRABAHO   Wala raw tayong pagmamay-ari, walang yaman. Maging ang talatang naturan ay hindi orihinal. Walang katapusan ang usapang tulad ng ganito. Nakakapagod ang ganitong talakayan, mabagal.   Tumatakbo ang bawat segundo, paikot-ikot lang. Isa-isang lumilisan ang mga araw tungo […]

Sanggol

Iniisip ko kung paano ko isusulat sa papel ang mga tanda sa iyong pisngi gayong nakikita ko ang kagandahan ng Maykapal sa bawat ngiti. Manginginig ang aking mga kamay sapagkat hindi ko pa natututunan ang pagtula nang nakapikit. Lubhang nakasisilaw ang araw kapag ito’y iyong tinitigan. Ruth Solitario Ang bersiyon sa Ingles ng tulang ito […]

Ang Pag-ibig ay Paninging Matalim

Kung ang pag-ibig ay nakalaan sa hanging laging nakayakap, o sa araw na may pagtingin, o sa ulang may paglingap… ano ang nasa pag-ibig na dapat ikagalak, kung sa kaibig-ibig lamang ang buhay niya’y ilalagak? Sa mundo, ang pag-ibig ay hindi tiyak, at sa matalino’y hindi ito payak… subalit sa natatakot, ito’y handang maging tapat, […]

Panyo (via pakpak at marami pang iba…)

Panyo Ruth Mostrales     Nagtahi siya ng kasuotan, Maganda ang kinalabasan. Ngunit, nang ito ay kaniyang isukat, Hindi ito lumapat!     Kaya’t tangan ang bestida, Sa tindahan siya'y sumaglit; Matapos siyang mamaalam, Iniwan niya ang damit.     Nasumpungan ng isang binata Ang bestidang marikit, Lubos ang kaniyang tuwa At puso niya’y nangalabit. […]

Halika, Hamog

Halika, Hamog. Come, Fog.   Halika, hamog, sabi ng hangin. (Come, fog, says the wind.                                                                                Ako’y hungkag.                                                                                 I am empty. Wala akong dala-dala I have nothing to carry kung saan bumubukadkad ang mga bulaklak where the flowers bloom at naghihintay and are waiting sa manamis-namis for the sweet, sweet na tubig ulan. water […]

tunay na pag-ibig

Nakakatakot isipin na ako sa aking kahungkagan ay magsusulat tungkol sa pag-ibig. Hiling ko ang kabutihang loob ng Panginoon! Marahil masasabi natin na mas madalas na magkakamali muna tayo sa ating pakahulugan sa pag-ibig bago natin mapagtanto kung ano ito. Ano nga ba ang pag-ibig? Kung pagbabasehan ang karamihan ng mga nasusulat at sinasabi na […]

Ang Pagtatagpo

Sa muling pagtatagpo ng tag-init at tag-ulan, gagawa sila ng paraan upang maging walang hanggan ang kanilang ugnayan.  Hahamakin nilang tapusin ang isa’t isa, upang simulan ang pinagsanib nilang puwersa, hindi bilang dalawa, ngunit,  isa — na, upang tuwing umuula’y tila may araw pa rin, at sa tag-init, mayroong tubig na iinumin ang mga bulaklak sa hardin… Iyan ang […]

Katha ni David upang Awitin ng Punong Mang-aawit*

Awit 19 Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng Kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan! Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang, patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman. Wala silang tinig o salitang ginagamit, wala rin silang tunog na ating naririnig; ngunit abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig, […]

Remedios

  Walang perpektong sitwasyon, panahon, o pagkakataon — asahan mong lagi na along the way, may mangyayaring hindi kanais-nais.  Ganyan ang buhay.  Isang aspeto ng pagiging tao ang pagkakamali, ang problema, ang kawalan ng patutunguhan at sari-sari pang problema dahil sa pagkakasala ng unang Adan.  Dinala niya tayo sa sitwasyon ng pagkahulog sa kaluwalhatian ng […]

WALA (PA RIN)

“Kanina ka pa nakatingin sa kawalan ah…” “May hinihintay ako…” “Sino?” “Isang taong may mensahe…” “Hindi na siya darating…” “Bakit naman?” “Wala siyang mapa tungo sa iyong kawalan — hindi ka niya matutunton…” “Kung gayon, ako’y mag-iiwan ng tanda na makikita niya kahit siya’y nasa malayo…” “Ano?” “Ito.” “Huh? ” “Wala…kain na tayo, gutom na ako.”