CCP launches 35th issue of Ani publication

CCP launches 35th issue of Ani publication 11 November 2009, Pasay City – The Cultural Center of the Philippines (CCP) Literary Arts Division will launch Ani 35, The Pinoy as Asian issue, on November 26, 2009, 6:00 p.m., at the CCP Ramp with some of the featured authors reading from their works. “Ani 35 is […]

Balabal na Itim

Kulay itim ang balabal na inihandog sa akin, Na hinabi sa masukal, binilad sa panginorin. Kung sa ilalim ng araw siya ay aking ilalantad, Habang aking tinatanaw ang guhit n’ya sa ‘king palad — Ako’y ikukubli ngunit mananatili ‘ring hubad Habang ako’y nakapiit sa yakap ng kaniyang baklad. At pagdating nitong gabi, ako’y kaniyang itatago’t ikukulong nang sandali  habang ako’y […]

Ang Tagahanga

Ako ay nasa iyo, at ikaw ay nasa sa akin.  Nasumpungan ko ang aking sariling dinidibdib ang kariktan na ipinagkatiwala ng kalangitan sa iyo nang ikaw ay isinilang.  Subalit, ito’y magpakailanpamang iyong-iyo, samakatuwid, hindi na maaari pang ariin, bilhin, o ireserba sa pangalawang nagnanais magmay-ari. Ipinagtapat ko ang aking paninibugho sa panulat at papel.  Ipinagkanulo nila […]

Pagkabuhay Matapos Humandusay

Pagkabuhay Matapos Humandusay Namatay ako sa kakahimlay, pagka’t ang mga mata’y binalot ng tamlay. Gabi nang mangako silang bituin, wala nang dilim sa kanilang pagdating. Sa oras na haliparot, ako’y nag-abang, ngunit ‘Di man lang siya nagsabi nang siya ay tumanang dala ang tuwang aking pinanghawakan, at bitbit ang pag-asang pinakaaasam. Namatay ako ‘sang muli, […]

Nakikiraan Lang

Nakikiraan Lang   Una, nakakita ako ng mga batang pakalat-kalat sa daan habang tangan-tangan tig-iisang supot ng kalangitan.  Kaysa langhapin ang hanging nakaririmarim, pinili nilang sa solvent na lang magpaalipin.     Nakikiraan lang, mga bata, at nanonood na rin sa pakikipaglaro niyo sa alapaap.   Pangalawa’y namasdan ko ang mga babaeng hindi makagulapay sa sapot na […]

Hustisya

Hustisya Ni Ruth Mostrales Kung umiyak ang mga dehado’y paminsan — Hustisya! Pati mga inosente’y tumatangis sa piitan — Hustisya! Sino ang may bitbit sa timbangan? Hustisya! Sino ang tinimbang ngunit kulang? Hustisya! May mga sisiw na ‘di makaahon sa kailaliman, May mga agilang nalalasing sa kapalaluan. Ang mga maliliit ay walang madulugan — Ang […]

Ihip

Ihip Ni Ruth Mostrales   Hangad ko ang Kaniyang pagpapala Sa iyong panulat na daluyan Ng katotohanan.   Dalangin kong sa kamay Niya Ay mayroon kang moog Laban sa kabulaanan.   Hiling kong ang iyong puso Na hindi nakikita, ay mailimbag mo’t Maiukit sa bawat tala.   Matuyo man ang tinta, Mapunit man ang pabalat; […]

Tunay na Pagtalima

Tunay na Pagtalima Isa akong manlalakbay. Hayaan Mo, Panginoon Na aking marating ang paroroonan Sa tulong mo’t gabay…. RVM   Ano nga ba ang mas malalim na kahulugan ng pagtalima sa Panginoon? Deep. Deep nga. Kasi nga naman, mahirap na ngang intindihin yung kahulugan ng malalim, nilagyan pa ng –mas-. Kung susuriin, kung may malalim […]

Ang Tulang ‘Di Nabigkas

Ang Tulang ‘Di Nabigkas Para Kay S. Ang tulang hindi mo nabigkas Nang ang usapan nati’y mapigtas Ay dahilan upang ang pagkatulog Sa aki’y ‘di mahulog-hulog.  Gaya ng bungang masyadong mataas Na walang hangad kundi ang mapitas, Ang tulang ‘di nabigkas ay humihiyaw Sa akin, at dahilan upang ‘di ako antukin.     Ruth Mostrales […]

Bihag

Bihag   Ang ibong sangkap ng maraming mga tula Ay kadalasan minsan lang nagiging malaya; Dahil kapag nasilo siya ng isang makata, Maging ang himpapawid ay malaking hawla.   Maging ang bituin na sinusungkit ng baliw Na may tinatanging nilalang na ginigiliw Ay nilalagyan ng tangkay, upang hindi makatakas Uundayin siya ng mga diwatang sa […]