Ang Magnanakaw ng Sandali

Ang magnanakaw ng sandali ay nariyan na naman, upang umukit ng mga linyang papasulong sa sukatan ng sangkatauhan. Sa pisngi at mukha naman ay tumutuldok siya ng mga nunal — sa mga lupang may hininga na hindi rin magtatagal. Gumuguhit siya sa palad at kaloob-looban, at ang parusa niya’y dama sa mga tuhod at kasukasuhan. […]